BSA Inc.-Imus: Committed Christian School in Imus

  • HOME
  • HOME

Buwan ng Wika 2019

10/17/2019

Comments

 
Agosto ng bawat taon, dinaraos ng iba't ibang sektor ang Buwan ng Wikang Filipino na nagpapaalala ng malalim na kasaysayan ng atin bayan at salitang ginagamit. Bilang pakikibahagi sa pagdiriwang na ito, ang paaralan ng Brimestone ay nagsagawa ng iba't ibang mga aktibidad. Halimbawa na ang Tagisan ng Talino, Tagisan sa Pagbaybay at Paggawa ng Poster sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-10 ng tanghali. Ang mga aktibidad na ito ay isang paraan para maipamulat sa bawat mag-aaral ang kahalagahan ng wika sa kanilang pamumuhay, karagdagan pa dito, ang paglinang ng kanilang talento at pagiging Filipino.
Buwan ng Wika 2019
Photos by Brimerian Echo Facebook Page
Isang karaniwang bahagi ng isang pagdiriwang ang pagpapakita ng iba't ibang talento ng mga mag-aaral. Sa pangunguna ni ating Punong Guro Rev. Dr. Bobby M. Brimon at sa tulong ni Gng. Dia B. Taganna, Administrative Officer nagkaroon ng pagkakataon ang paaralan para ipakita sa mga magulang ang natatanging kakayahan ng kanilang mga anak. Ang program sa hapon ay pinahunahan ng ating punong abala para sa BUwan ng Wika 2019, Gng. Sheila B. Ralleta katulong ang Sahaman ng mga Guro sa pangunguna ni Bb. Ma. Gloria Pingoy. Ang programang ito ay nagbigay pagkakataon upang ipakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento sa Katutubong Sayaw, Balagtasan, Awiting Bayan at Sabayang Pagbigkas.

Sa panulat ni: Francine Joey Ann Garfin
Itinama ni: Gng. Jennifer Despuig
Inilathala ni: Alvin L. Bedes
Comments
Forward>>

    Archieves

    April 2020
    October 2019
    September 2018

    Read More...
    Picture
    Picture
Powered by Create your own unique website with customizable templates.